....4/13/2016 Pasakalye... Welcome po sa aming munting website na patuloy na nagbibigay sa inyo sa abot ng aming makakaya ang mga sari-saring interes sa larangan ng Sport na ito. Katulad ng karamihan sa inyo, kami din ay may mga trabahong kailangan pasukan o di kaya'y kayo ay mga estudyante na naglalaro upang makatulong sa inyong focus sa pag-aaral (siya nawa!). Kaya handog namin sa inyo ang website na ito. Ang mga pa-torneo namin ay simple lang ang adhikain. Hindi kasi puwedeng puro praktis lang ang gagawin natin kahit nasa Amateur League lang tayo. Kahit paano meron tayong pangarap sa Sport na ito. Mahirap abutin ang tugatog ng tagumpay nila Efren "Bata" Reyes, Django Bustamante, Dennis Orcullo, etc. PERO pwede naman na dahil sa paghanga natin sa galing ng ating mga Pro Players na ini-idolo, tulad sa isang laban na last rack sa decision na laban, at magamit ang kanto ng side pocket (pabandahin), para i-pocket ang money ball sa corner. ( -- credits to Efren "Bata" Reyes for that awesome shot. See You Tube video below... ) Ilan lamang yan sa mga swerte na ating nakakamit at tunay na ikinatutuwa ng ating mga tira at itinataas ang ating kumpiyansa. Sobrang saya maglaro sa torneo. Mahiwaga ang mga nangyayari. Ang pasali sa torneo ay para ma-gauge mo ang sarili mo. Malaman mo kung ano na ang level ng tira mo at ano pa ang kailangan ma- improve. Kaya tara sali na sa Monthly Tournament namin! Ang pagbuo ng Bilyarista.com EXPO... Hindi talaga kami nagbebenta noon. Nangyari ang lahat ng ito dahil mahilig ako bumili ng mga kailangan ko. Ako siguro ang babae na hindi mahilig sa parlor, o shopping sa mall, etc. Mahilig ako sa tako, mga billiard accessories, etc. etc. Madami din kaming mga kaibigan. Kaya madalas ang pasalubong na binibigay sa amin ay billiard related. Tapos, ayun na. Nakita ng mga kabilyar, bumili na rin ako ng extra para masubukan din naman nila. Mula noon, palibhasa para na akong "Ate" or "Lola" ng mga kaibigan, ako na ang madalas tinatanong para sa mga gamit, kaya pinanindigan ko na hahaha. Umabot sa punto na nagbebenta na rin kami ng tako abroad. Ngayon, Awa ng Diyos ay kahit paano, nakakakuha pa rin kami ng mga billiard items sa abot kayang halaga at maganda ang quality. Ang dahilan namin ay, "Para lahat tayo ma-experience naman natin". Hindi lingid sa ating kaalaman, hindi lahat kaya bumili ng mga mamahalin at madalas kailangan i-import pa. Andyan ang mahal ng shipping at isama pa ang taripa ng customs. Kaya talagang nagmamahal ang produkto. Dahil na rin sa kagandahang loob ng mga kaibigan natin kung saan saan (hindi ko na po kayo babanggitin alam niyo na kung sino kayo, "daghan salamat sa inyong tanan"), malaki ang naitutulong nila para naman makabili at makagamit tayo ng maayos na equipment at accessories . Dahil player din kami, na-experience na rin namin bumili ng higit sa budget na halaga ng equipment. Kaya gumawa kami ng paraan para makahanap ng suppliers na makakapagbigay ng sakto sa budget na mga presyo. Hindi naman kailangan maging expensive ang hobby, di ba? Kaya pag swak sa amin ang presyo, maaring swak din sa budget niyo. Pagwawakas... Sa pagwawakas nitong pasakalyeng ito, baunin niyo ang swerteng hatid ng inyong mga pangarap, tibay ng dibdib sa laban, solidong sargo at isama na ang magandang kalat ng bola, higit sa lahat, ang masayang samahan nating mga bilyarista. Mula sa aming munting tahanan dito sa Internet, Mabuhay tayong mga Bilyaristang Filipino! google-site-verification: google49091a5c487583c5.html
0 Comments
|